Posts

Showing posts from November, 2021

Kung Sakaling Magkaroon ako ng Ilang Minuto at Walang Ginagawa

Image
               Kung sakaling magkakaroon man ako ng ilang minuto na walang ginagawa mas pipiliin ko na lamang na humilata  kaysa sumulat ng dagli o tula sino ba kasing hindi mananawa sa mga linyang "isa, dalawa, tatlo.." o sa mga "naala mo pa ba.." ayoko na sa mga istoryang nagmahal, nasaktan, nagparebound sawa na ako sa romansa gusto ko yung konektado sa siyensya yung tipong maisisingit ko lahat ng elemento  mula Hydrogen hanggang Oganesson  sayang naman kasi ang pagkabisa kung bago pa ako makapagtapos limot ko na gusto ko rin yung may matematika yung may tamang bilang at pagsukat kung ilang kilometro meron sa limang milya kung ano ang elebasyon ng bundok na ngayon ay buhangin sa manila ilang lagok meron sa isang litro ng RC cola at kung saan napunta ang 15 bilyong biglang nawala tagahanga rin ako ng komedya  uulit ulitin hanggang sa hindi na nakakatawa madalas may part 1 at part 2 pa may GCQ, MECQ na ngayo'y NCR B...

Teka

Image
teka sino ka?  saan ka ba nangggaling  at hanggang ditoy umabot ka sa kabilang isla? seryoso ka ba? oh sya, alam kong sa paglalakbay mo pabalik ay malayo pa kaya pumarito ka muna hayaan mong ipakilala kita sa bayan kong maharlika 7,100 ang mga isla kaya naman halos 300 daang taon lang rin naman kami nasakop ng mga kastila nakakasilaw raw kasi yung Kristyanismong dala nila Pagkatapos, mayroon nanaman kaming panibagong bisita Amerika raw yung pangalan hindi ko malaman kung kaaway o kaibigan pero edukasyon at kahalagahan ng wika ang dala nila Nagliyab ang dugo ng mga Pilipino marami ang lumaban, marami rin ang namatay at ang buwis na kanilang inalay ay nananatiling buhay kaya naman silay nagtagumpay at unti unti  napaalis rin namin sila  Pulo-pulo, hiwa-hiwalay nahati sa marami  Ngunit nanatiling iisa rumami ang dayalekto , may tagalog, ilocano mayroon ding bicolano pati rin sa paniniwala ng tao, may sumasamba sa anito, may islam pati nga Kristyanismo a...

Atomic Habits by James Clear a Book Review

Image
To teach is to learn it twice so let me share with you my insights and what I have learned after reading Atomic Habits by James Clear so let me get started haha. We all have goals and target success to chase. The thing is we thought that to make a massive success we need a massive effort but it's not. Atomic Habits proved that by compounding improvements over time or being 1% better everyday will bring us success we wanted.  But be careful because habit is a double edge sword, it can either build you up or cut you down.  Most of us troubling to change and it's not because we didn't want to but it's the system, we didn't know what and where to change. First is to set a goal, and break it down with what process, action, and habits you should take in order to reach your goal. Once you know your goal then commit yourself with the process, focus on the system. Do not rise to the level of your goal, fall in the level of your system. Learn to fall in love with ...

Lively Struggles

Image
                  One day. In a retrospect, the years of struggle will strike the most beautiful.       I can't remember exactly how my childhood went except those times when my mom will hit me for no reason, or when she caught me playing or enjoying something. I don't know the reason why but there is also the time when she throw away a pansit canton over me. Maybe that is just her coping mechanism when she's in her hardest pace on that time. Still, it hurts a bit remembering those.       When I got into senior-high school, this is where things got interesting. I have friends with same interest. They help me have a teanage life. I've got professors how become my mentors and friends. Circle of friends who let me get in with their travel goals even I don't have any money on my pocket. I feel really welcomed with them. I've enjoyed a goodlife of every trip I've taken.    ...

Huling Parte

Image
sa pinakahuling parte ng programa tumugtog ang mabagal na musika sinubukan kong hingin ang iyong kamay tanging matatamis na ngiti ang iyong isinukli pahiwatig ng hindi pagtanggi tandang tanda ko pa ang bawat pangyayari iyong kamay sa aking balikat ang sa akin ay sa iyong bewang sa bawat pagkumpas ng ating kamay sa bawat paglimpay ng ating katawan sa bawat pagbulong na kumikiliti sa ating tenga sa bawat pagtawa na pinagsaluhan nating dalawa mga matang hindi magtagpo ikaw na nakatingin sa malayo ako na nakatitig sayo sabay halik sa noo halos magdikit ang ating mga puso noong mga oras na'yon hindi ko inakala na sa huling parte ng programa ay sya rin palang huling beses na maisasayaw kita. huling parte.

Ulap

Image
para kang ulap sa malawak na kalangitan hindi maguhit ang palaisipan mawawala at babalik nanaman minsan nga'y bumubuo pa ng mga larawan pansamantalang ibabalik sa nakaraan ang tamis at pait ng nararamdaman kulayan ang damdaming hindi mawatasan unti unting tanggapin ang katotohanan hindi na ikaw, iba na ang kanyang kasiyahan parang kailan lang sabay pa kayong naglalakad tuwing uwian doon kuwentuhan at tawanan pa ang palitan sa kalsadang palagi nyong dinaraanan kumpara ngayon sa kasalukuyan tila ba wala nalang biglang pansinan puwede pa bang ibalik ang nakaraan at kung hindi na may ulap pa naman sa kalangitan mula akong maghihintay, sa unang ulan. Ulap - we all have this kind of love unto someone. Like how selfish I am to her before..I love her. And I was thankful that i realised it soon enough that I'm loving her condionally. It was awful. I was forcing her to love me back. I was trying to imprison her on a dream that only I could see. It's been a year since i di...

Ang Labing Dalawang Minutong Kausap Kita

Image
Una Ang kumustahan ang mga nakauwi ka na ba? kumain ka na ba? anong oras na huwag ka nang lumabas baka mapaano ka pa. Ikalawa ang tugon ang iyong pagtanggi at iyong pagsangayon sa bawat biro na tuwang tuwa ka naman kahit gaano pa kababaw ang mga ito. Ikatlo ang pagtatagpo ng mga buhol na sinulid ng pagiisip mo at pagiisip ko dito ka nagsisimulang magkuwento. Ika apat ang pakikinig ng buod kung gaano kaganda at kapait ang buo mong maghapon hindi mo kailangan ng anumang kumento tanging makikinig lamang ang nais mo. Ika lima ang salitan ng hello dahil parehas na malabo ang linya ng ating mga telepono "sandali" "aayusin ko lang saglit" "ayan okay na" "nasa labas ako para malinaw kong marinig" Ika anim ang konsyerto ang biglaan mong pagawit minsa'y nasa tono minsan ay wala kadalasa'y hindi rin mahulaan ang genre ng iyong kinakanta tanging mga tinig mo lamang walang ibang halong musika. Ika pito ang patay na oras tila ba ni wala sa ...

TRP 157 Koppals

Image
  kasabay ng paglubog ng araw at pagsakop ng dilim sa kalangitan ay ang pagsasamahan na hindi mapapantayan tandang tanda kopa ang bawat biyahe na kasama ko sila sobrang sarap pagmasdan kung gano kasaya ang bawat isa mata sa mata walang halong pagkurap ngunit bigla kong naalala bilang nalang pala ang mga segundo na pwedeng makasama kopa sila iba iba na ang biyahe ng bawat isa may magaaral ng arkitekto, may magpipiloto may mananatili sa dalubhasang politekniko pero isa lang ang sigurado na sa paglubog ng araw ay lilitaw ang buwan sa gasolina'y magaambagan aarangkada muli ang paborito kong sasakyan.

Ako si Doggy

Image
Ako si doggy halos ilang linggo na rin akong nananatili sa maliit kong barong barong ang sabi ng aking amo, para rin daw ito sa ikabubuti ko mayroon daw kasing kalaban na makikita lamang sa pagitan ng lense ng mikroskopyo sa madaling salita isuko ko nalang daw muna ang pag gala ko sa kalsada kapalit ng aking paghinga na walang halong pangamba. pero sa kabilang banda, parang kasalanan ko rin naman simula't umpisa palang. sa buong pangyayari ay wala akong ideya kung saan nagsimula o kung papaano dito napunta. basta't ang pagkakaalam ko sa kahit saang lugar ko man ibaling ang aking mga mata, hindi na normal ang aking nakikita. kaya sumunod ako. ika nga ng aking amo mayroon naman daw syang plano sagot na raw nya ang mga pangangailangan ko kaso, hanggang kailan magtatagal ang mga ito maaring hindi kulang subalit hindi rin magiging sapat buti pa sila pareng blacky sa kabilang bakuran kumpleto parin ang nakahain sa hapag kainan. gustuhin ko mang lumabas upang sa gutom ay h...