Ang Labing Dalawang Minutong Kausap Kita


Una


Ang kumustahan

ang mga nakauwi ka na ba?

kumain ka na ba?

anong oras na

huwag ka nang lumabas baka mapaano ka pa.


Ikalawa


ang tugon

ang iyong pagtanggi at iyong pagsangayon

sa bawat biro

na tuwang tuwa ka naman

kahit gaano pa kababaw ang mga ito.


Ikatlo


ang pagtatagpo

ng mga buhol na sinulid

ng pagiisip mo at pagiisip ko

dito ka nagsisimulang magkuwento.


Ika apat


ang pakikinig

ng buod

kung gaano kaganda at kapait

ang buo mong maghapon

hindi mo kailangan ng anumang kumento

tanging makikinig lamang ang nais mo.


Ika lima


ang salitan ng hello

dahil parehas na malabo ang linya

ng ating mga telepono

"sandali" "aayusin ko lang saglit"

"ayan okay na" "nasa labas ako para malinaw kong marinig"


Ika anim


ang konsyerto

ang biglaan mong pagawit

minsa'y nasa tono minsan ay wala

kadalasa'y hindi rin mahulaan ang genre ng iyong kinakanta

tanging mga tinig mo lamang

walang ibang halong musika.


Ika pito


ang patay na oras

tila ba ni wala sa atin 

ang gustog magsalita,

labi'y saglit na nagpahinga

mamaya't sabay pang iintro ng bagong istorya 

hindi magkasundo kung sino ang magsasalita


Ika walo


ang mga bulalakaw

ng mga katanungan

na bigla na lamang bumabagsak sa aking isipan

"anong ulam nyo kanina?"


Ika siyam


ang malanobela mong sagot

ang halos hindi matapos mong mga kuwento

ulam lang ang tinanong ko

pero umabot pa tayo sa pista na napuntahan mo

"ang duga mo" "bakit ko ba nababanggit sa'yo ang mga 'to" 


Ika sampu

ang paggoodbye

kahit dalawang minuto pa bago maputol ang ating mga linya

sumasagi sa isip kung ang tawag ay masusundan pa.

kung may makustahan pa

kung may salitan pa ng hello

kung mayroon pang konsyerto

kung may babagsak pang mga bulalakaw.

 

At sa Ika labing isang minuto

bilang na segundo na lamang ang natitira

ang tawag ay matatapos na

nagninipis na ang mga salita

ang koneksyo'y mapapatid na


At sa Ikalabing dalawang minutong kausap kita

putol na ang linya

tapos na ang tawag

telepono'y tahimik na


naiisip pa rin kita.



Ang Labing Dalawang MInutong Kausap Kita

    -in a phone call in which limited only to twelve minutes, souls are getting closer even the calls hangs up. Two person living the moment talking to each other on a span of 12mns. call. 

Comments

Popular posts from this blog

Sa Babaeng Itinakda ng Diyos Para sa Akin

Doing the Work but Not Getting Payed or Any Credit

This is Where Our Journey Begins