Huling Parte




sa pinakahuling parte ng programa

tumugtog
ang mabagal na musika
sinubukan kong hingin ang iyong kamay

tanging matatamis na ngiti
ang iyong isinukli
pahiwatig ng hindi pagtanggi
tandang tanda ko pa ang bawat pangyayari

iyong kamay sa aking balikat
ang sa akin ay sa iyong bewang
sa bawat pagkumpas ng ating kamay
sa bawat paglimpay ng ating katawan
sa bawat pagbulong na kumikiliti sa ating tenga
sa bawat pagtawa na pinagsaluhan nating dalawa

mga matang hindi magtagpo
ikaw na nakatingin sa malayo
ako na nakatitig sayo
sabay halik sa noo
halos magdikit
ang ating mga puso

noong mga oras na'yon
hindi ko inakala
na sa huling parte ng programa
ay sya rin palang huling beses
na maisasayaw kita.

huling parte.

Comments

Popular posts from this blog

Sa Babaeng Itinakda ng Diyos Para sa Akin

I am

Uuwi ka pa rin nang magisa.