Teka
sino ka?
saan ka ba nangggaling
at hanggang ditoy umabot ka
sa kabilang isla?
seryoso ka ba?
oh sya, alam kong sa paglalakbay mo pabalik ay malayo pa
kaya pumarito ka muna
hayaan mong ipakilala kita
sa bayan kong maharlika
7,100 ang mga isla kaya naman
halos 300 daang taon lang rin naman kami nasakop ng mga kastila
nakakasilaw raw kasi yung Kristyanismong dala nila
Pagkatapos, mayroon nanaman kaming panibagong bisita
Amerika raw yung pangalan
hindi ko malaman kung kaaway o kaibigan
pero edukasyon at kahalagahan ng wika ang dala nila
Nagliyab ang dugo ng mga Pilipino
marami ang lumaban, marami rin ang namatay
at ang buwis na kanilang inalay ay nananatiling buhay
kaya naman silay nagtagumpay
at unti unti
napaalis rin namin sila
Pulo-pulo, hiwa-hiwalay nahati sa marami
Ngunit nanatiling iisa
rumami ang dayalekto , may tagalog, ilocano mayroon ding bicolano
pati rin sa paniniwala ng tao, may sumasamba sa anito, may islam pati nga Kristyanismo at marami pa dito
Pero, isa lang ang sigurado
na ang laban ng kahapon ay aral ngayon sa bawat Pilipino
Teka
Paalis kana?
Mahaba pa sana ang aking kwento
kulang pa ang sampung libro
para maibahagi kong buo sayo
Kaya may isang bagay lang akong gustong sabihin sayo
na kung gaano kahirap ang pinagdaan ng Pilipinas
ay ganoon rin kaganda ang kulturang mayroon ito
hindi lahat mabibilang ng kamay
hindi lahat makikita ng mata
hindi lahat mababahagi mo sa iba
hindi lahat
kaya naman hanggat
may kultura ka pa na nabibilang sa iyong kamay
kulturang nakikita ng iyong mata
kulturang mababahagi mo sa iba
sana alagaan mona
bago pa mahuli ang lahat.
teka
sino ka ba?
saang isla ka ba nagmula.
"Same poem that I submitted on my previous college unit Philippine Popular Culture."
Comments
Post a Comment