TRP 157 Koppals

 

kasabay

ng paglubog ng araw
at pagsakop ng dilim sa kalangitan
ay ang pagsasamahan
na hindi mapapantayan
tandang tanda kopa
ang bawat biyahe na kasama ko sila
sobrang sarap pagmasdan
kung gano kasaya ang bawat isa

mata sa mata
walang halong pagkurap

ngunit bigla kong naalala
bilang nalang pala
ang mga segundo na pwedeng makasama kopa sila

iba iba na ang biyahe ng bawat isa
may magaaral ng arkitekto, may magpipiloto
may mananatili sa dalubhasang politekniko
pero isa lang ang sigurado

na sa paglubog ng araw
ay lilitaw ang buwan
sa gasolina'y magaambagan
aarangkada muli
ang paborito kong sasakyan.

Comments

Popular posts from this blog

Sa Babaeng Itinakda ng Diyos Para sa Akin

I am

Uuwi ka pa rin nang magisa.