Reyna
Medyo matagal din kitang naikulong sa ilusyon na dapat mo akong gustuhin pabalik, hanggang sa ang kakayahan mo ay unti unti ko nang nalimitahan. Kaya naman noong huling beses na lumayo ako sayo nang walang anumang pasabi, alam kong isa ito sa mga bagay na kailanman ay hindi ko pagsisisihan. Sa kasalukuyan na isinusulat ko itong liham. Lubos kong inaamin na gusto pa rin kita. Mayroon pa ring parte ng aking pagkasino na hinahanap ang pagibig mo. May mga kathang isip ang pumupuyat sa akin sa gabi na baka puwede pa ang tayo. Mayroon pa ngang palaiisipan sa akin, na para bang hinihintay mo lamang kung ano ang susunod kong gagawin. Kung tuluyan na ba akong susuko o kung babalik ba ulit ako sayo. Ito ang dahilan kung bakit paulit ulit akong bumabalik...