A Teacher's Day Spoken Poetry
Ma'aam, Siirr,
Puwede pa po bang magpasa ng activity
Tyaka, sulat kamay po ba or PDF file...?
Hijo, alas dos na ng madaling araw
Puwede rin bang bigyan mo muna si teacherng kaunting pahinga?
Pero sige anak, ioopen ko nalng ulit bukas, opo anak.. naka PDF File
Isang beses
Nagtuturo yung teacher namin
Sya yung tipong masigla at gagwin ang lahat makuha lamang ang partisipasyon ng isa't isa
Kahit pa, si pinakaburyong klase
Senaryo sa tipikal na online class
Recitation mala squid game ang ganap
Walang nagtatangkang magopen mic., ni walang gustong magsalita
Kaya ang sabi nya, igugrup ko kayo sa dalawa
Turuan nyo ang isa't isa
Nangyari naman, May nagreporting pero yung visual aid binasa lang
May nagexplain naman, ang kaso ginoogle translate lang
Lesson learned talaga, "kung ayaw ng presentation, matutong sumagot sa recitation"
Natapos ang klase nong araw na iyon
nang wala pa ring masabi ang isa't isa
pero sa isa ibang dahilan
marahil sa importanteng na nakuha ng bawat isa
"Hindi madali ang magturo, Hindi biro ang isang maging isang guro."
Hayaan mong ilibot kita
Sa mundong mayroon sila
Kung san ang mottong timr is golf
Na tinatawanan sa kolehiyo ay totoong totoo sa kanila
Ni wala ring oras para magkajowa
Yung huling oras para sa sarili
Binibinigay nalang rin sa klase nila
Suki rin sila sa palenke
Sa paghahanap ng tamang resources
Inaabot hanggang hating gabi
Para pagdating bukas sa klase
Masustansyang pakbet at lesson plan ang ihahain
Sanay rin silang makipagtawaran
Ang deadline Tuesday
Pero palagi , may estudyanteng magrerequest
Ma'am, Sir, puwede ba hanggang Sunday?
Oh sige anak, hulng tawad. Friday
Pagtapos magc'chat parin sa messenger
Hindi raw kasi sya nakapagpasa dahil may trabaho
Open naman yung activity halos dalawang linggo
May lahi rin silang call s\center agent, 8-5 lang naman ang office hours
Pero daig pa ang 7/11, 24/7 sumasagot sa request at concerns ng mga estudyante
Shoutout rin sa mga nagaasikaso ngligaw na canvass accounts
As sa mga prof na onr chat away lnag kung may problema man.
Magaling rin sila magpanggap
kitang kita ang pagkabigo sa tuiwing puro sila ang nagsasalita
at walang sumasagot sa kanila
pero nagagawa parin nilang ngumiwi o ngumiti
Nakakamangha
Patunay na gusto nila ang kanila ang ginagawa
Patuloy sa pagtuturo, hindi man sigurado kung may nakikinig pa
Gusto ko ring maging kagaya nila
Sa dinami rami ng estudyanteng tinuturan nila
May estudyanteng may attendance pero wala sa klase
Mayroon ding walang attendance pero magic sa exams nakakaperfect
Daladalan sa messenger habang on going ang klase
handa narin ang telegram para sa online kopyahan
tapos kapag bumagsak, ang darecho sa twitter
Pero sa hirap ng mga bagay na iyon ....................................
Comments
Post a Comment