Reyna

            Medyo matagal din kitang naikulong sa ilusyon na dapat mo akong gustuhin pabalik, hanggang sa ang kakayahan mo ay unti unti ko nang nalimitahan.
             
             Kaya naman noong huling beses na lumayo ako sayo nang walang anumang pasabi, alam kong isa ito sa mga bagay na kailanman ay hindi ko pagsisisihan.
             
             Sa kasalukuyan na isinusulat ko itong liham. Lubos kong inaamin na gusto pa rin kita. Mayroon pa ring parte ng aking pagkasino na hinahanap ang pagibig mo. May mga kathang isip ang pumupuyat sa akin sa gabi na baka puwede pa ang tayo. Mayroon pa ngang palaiisipan sa akin, na para bang hinihintay mo lamang kung ano ang susunod kong gagawin. Kung tuluyan na ba akong susuko o kung babalik ba ulit ako sayo. Ito ang dahilan kung bakit paulit ulit akong bumabalik sa iyo noon, dahil alam kong hinihintay mo rin ako. Ito rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay para bang umaasa parin ako. Inaakala na hinihintay mo pa rin ako. 
             
             Huwag kang magalala, gusto ko lamang na magpakatotoo sa liham na ito. Hindi mo na rin kailangan magalala o mangamba. Wala na akong intesyong bumalik at siraan muli kung ano ang mayroon ka ngayon. 
             
             Hindi mo alam kung gaano ako kasaya, noong nakikita kang ginagawa ang mga bagay na gusto mo buhat noong nawala ang isang tulad ko sa buhay mo.
             
             Kaya salamat, sa mga ngiti na iyong ibinahagi. Sa pagiging inspirasyon. Larawan mo ang huling alas ko na nakakabit sa aking telepono upang lalo ko pang galingan at talunin ang prokrastinasyon. 
             
             Salamat. Sa minsang pagalala at pagalaga. Gaano man iyon kasimple ay ganoon rin iyon kalaki para sa akin. May mga laban na sikreto kong ipinanalo at madalas sermon mo ang bitbit ko.
             
             Salamat. Sa paniniwala sa aking kakayahan. Sa una gusto ko lamang magpapansin sayo kaya kung ano ano ang sinalihan ko hanggang sa napunta na ako kung sino ako ngayon. Tinulungan mong hasain ang kakayahan ko sa hindi inaasang paraan at panahon.
             
             Salamat sa pagsabay. Ang bawat hakbang noon kasama ka ay tila isang paglalakbay patungong buwan. Tinulungan mo akong gawan ng istorya ang bawat kalsada. Na siya ring dahilan kung bakit mapapangiti magisa.
             
             Salamat. Dahil tinuruan mo akong tumula. Tinuruan mo rin akong lagyan ito ng pagibig. 
             
             Salamat sa pagbasa at pakikinig.
             
             Sa pagbibigay ng oras sa akin lalo't ng pasensya. Alam mo kung gaano ako kaarte.
             
             Gusto ko rin sabihin na hindi mo naman kailangang pagurin ang iyo sarili para umikot pa sa kabilang corridor upang iwasan ako. Magpapanggap na lamang ako na hindi kita nakita.
             
             Siguro nga kaya hindi ko magawang magalit o kainisan ka. Na sa kabila ng pagsasawalang bahala o hindi pagpansin mo noon pinipili parin kita dahil hindi mo alam kung paano mo ako natutulungan at napapasaya.
             
             Patawarin mo ako kung sa ibang tao ko noon hinahanap ang atensyon na gusto kong galing sa iyo. Nais ko sanang sabihin ito sa iyo. Na hindi lahat ng lalaki ay kagaya ko. Matuto ka sana na muling magtiwala. Isang beses, may makikilala ka rin na higit na magmamahal sa iyo. Ipapakilala nya sa iyo ang pagiging komportable na kasama siya. Mamahalin ka nang walang kapalit at magbibigay ng totoong pagibig.

             Salamat sa minsang ako ang iyong pinili at pagkumpleto sa akin. Isa ka sa pinakamagandang bagay na dumaan sa aking kahapon.

             Lahat ng bagay na natanggap at natutunan ko mula sa iyo at tayo ay mananatili sa akin habang buhay.
             
             Thank you for doing life with me. 

 -Franz

Comments

  1. May isang lapis nanaman ang natasahan at may mga salita nanaman na naisulat para manakit. Btw sobrang ganda ng sulat mo medyo masakit nga lang, I hope na mabasa nya yan, at kung hindi man okay lang. Marami pa tayong makikilalang tao, may mga tao talaga na hindi para sa atin pero mag bibigay naman sa atin ng lesson, pero malay mo in the right time kayo pa din pagtatagpuin in the end diba. Sana marami ka pang maisulat Franz sobrang galing mo, di ako magsasawang basahin ang mga gawa mo. 😊

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

This is Where Our Journey Begins

Doing the Work but Not Getting Payed or Any Credit

Sa Babaeng Itinakda ng Diyos Para sa Akin