Uuwi ka pa rin nang magisa.
Kahit gaano ka pa kasaya.
Sa trabaho o eskwela.
Kahit gaano ka pa kaaga pumasok
O kung gaano na kagabi sa kalsada
Uuwi ka pa rin nang magisa.
May problemang hindi mo maibahagi sa iba
Ni hindi mo gustong makita ng iba na nahihirapan ka
Dahil nais mo lamang na makita nila
Ang iyong ngiti o tawa
Nais mong makilala bilang masaya
Bilang malakas
At kahanga hanga
Wala ng iba
Kalakip man nito
Ang madalas ay wala kang makasama
Madalas ay wala kang makatuwang
O ang ang hindi ka maintindihan ng iba
Kakayanin mo pa rin
Hindi ba?
Hindi mo kailangan ng awa
Ang kailangan mo ay kasama
Kaya sa buong araw
At pagkakataon na ikaw ay makikibahagi
Sa kakilala o kaibigan
Sa trabaho o organisasying ki abibilangan
Magsasalitan ng tawanan
Hanggang sa tumungtong ang kwatro ng hapon
Lalabas nang sama sama
Maghihiwalay sa kanya kanyang kanto o sakayan
At uuwi ka nanaman nang magisa.
Comments
Post a Comment