Sa Babaeng Itinakda ng Diyos Para sa Akin


Sa babeng aking mamahalin, 

                    Kasalukuyan kong inihahanda at ipinagbubuti aking sarili. Kaya naman huwag kang magalala kung marunong ba akong maglaba o magkula ng damit.Kailanman ay hindi ko pagsasamain ang dekolor at ang mga puti. Magaling din akong magsukat ng sinaing o magsangag ng hindi naubos na kanin. Kung nais mo naman ng masarsang ulam, kaya kitang ipaghain ng adobo basta't habaan mo lamang ang iyong pasensya dahil sa youtube lamang ako natuto.

                    Hindi ko alam kung kailan ka darating o makikilala subalit kung ito nga'y plano Niya, alam kong ito'y sa tamang oras at panahon. Sana lamang rin ay tama ang outfit ko at hindi ako mukhang dugyutin sa oras na iyon. Wala naman akong inaasahang lugar. Hindi ka rin naman siguro galing sa ibang planeta kaya't sa mundong ibabaw parin tayo magkikita. Ngayon pa lamang ay ikinagagalak ko na ang makilala ka at makita ka ng aking mga sulat.

                    Marami rin akong pangarap.Nais kong maging mabuting ama, lalaki, at kapareha. Maaasahang kapatid, kuya, at kakilala. Marami rin akong potensyal nakikita sa aking sarili. Kaya kong maging mekaniko, guro, mangangalakal, sapatero, negosyante. Sa kasalukuyan ang propesyon na pumupukaw ng aking atensyon ay ang maging bumbero. Pulis ang pangarap ng aking tatay para sakin subalit ayoko sa baril (para sa akin ginagamit ito para kumitil) at malaki raw ang sahod dito (ang pagpupulis ay hindi pagpapayaman kundi pagsisilbi sa bayan) kaya naman mas nais ko ang maging bumbero. Mas nanaisin kong pumatay ng apoy, magsalba ng buhay at matuto ng skills pang survival. Inaasahan kong sa pagtapos ko sa kolehiyo, mas maging pulido na aking plano. 

                    Hindi ko alam ang paborito kong kulay. Kung ano nalang siguro ang babagay sa akin na lalo't hindi ko rin alam. Sa paboritong kanta naman, baroque classical music ang madalas kong ipinapatugtog. Subalit kung may ipaparinig ka sa akin, handa akong ibahagi sa iyo kung ano anong bagay ang pumapasok sa isip ko sa oras na marinig ko ito. 

                    Patuloy kong isinusumite ang aking sarili kay God sa abot ng aking makakaya. Hindi ibig sabihin na araw araw akong banal at may halo sa ulo, kundi palagi kong sinusubukan gumawa ng pagkakaibigan sa pagitan Niya at ng aking pagkatao. Marami akong pagkakasala, at mapalad akong paulit ulit ding tinatanggap sa tuwing lumalapit ako sa Kaniya. Hiling ko na ang makilala natin ang isa't isa ay siya ring magpatibay ng relasyon natin sa Kanya.

                    Hindi ako perpekto,subalit patuloy akong natututo. Handa akong ibahagi sa iyo ang mga nabasa at babasahin kong libro. Basta sagot mo ang mag plastic cover ha? hahah. Sa mga oras na nais mong takasan ang ikot ng daigdig handa akong sabayan kang tumakbo.  Sa mga oras na insecure ka sa kung anumang kaanyuan mo, kaya kitang samahan sa salon o anumang gym subscription habang walang sawang ipagmamalaking ikaw ang kapareha ko.Sa mga oras na nais mo ang katahimikan at espasyo, handa akong ibigay sayo ang mundo. Susulatan ka ng mga liriko at ililibot sa sa mga salitang nagmistulang museo.

                    Malayo pa ako sa klase ng taong inaasahan ko na maging ako ilang taon mula ngayon. Patuloy kong pagsisikapan ito, hanggang sa maabot kona ang pangarap ko. Na ka kapag ibinigay na ng Diyos ang babaeng para sa akin. Handa na rin ako.

Comments

  1. HAHAHAHAH cute plastic cover talaga e😂

    ReplyDelete
  2. Expressive thoughts na may halong humor. You make me kilig thru this post. - shin ^^

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

I am

Uuwi ka pa rin nang magisa.