Mahal Kita

Mahal kita

Dahil ikaw ang gusto kong mahalin

 

Ikaw ang pinili kong mahalin

Nang walang anumang pagaalala

Kung gustuhin mo man ako pabalik

O hindi

 

Gusto kitang mahalin

Nang walang anumang pagaalinlangan

Kung ako ba mismo ang mamahalin mo pabalik

O ang mahalin mo lamang ang aking pagibig

 

Gusto kitang mahalin

Sa paraang isa ka sa dahilan

Upang mas mahalin ko ang aking sarili

At walang anumang pagsisisi

 

Gusto kitang mahalin

Sa abot ng aking makakaya

At walang anumang kapalit

 

Gusto kitang mahalin

Sa paraang mahal kita

 

At ikaw ang pinili kong mahalin.


Comments

Popular posts from this blog

Sa Babaeng Itinakda ng Diyos Para sa Akin

I am

Uuwi ka pa rin nang magisa.