Blengblong

Ang sabi ng tatay ko-
Si Bongbong Marcos raw ang presidente nya
Kaya naman simula kanina, napagdesisyonan kong wala nalang akong tatay
Biro lang, ito naman. Ayun kasi uso ngayon sa social media.
Kaya sasakyan ko nalang,-
Ikaw?
Sasama ka ba?

Sa mahabang byahe ng buhay
Gigising at matutulog na telepono ang hawak
Kung wala kang gagawin, tara at sumakay kana

Hindi naman ganoon kasiksikan ang byahe natin ngayon
Paikot pa rin ng Quiapo at Intramuros ang translasyon taon taon
Sa mga deboto ng Itim na Nazarenong nananalangin sa paggaling at paggaan ng kahit anong nararamdaman
Walang wala ang daganan, sa oras na Siya ay nasabing iyong madampian
Buti nalang kahit papaano, hindi man sabay sabay na nakapaglakad buhat ng bagong regulasyon
Sabay sabay parin namang tumanaw ang lahat, sa mga livestream at telebisyon

Ano? Sasama ka ba?
Ayos lang rin naman kung hindi, 
Naintindihan ko't marami rin ang hindi nais na mapasama sa mga aktibidad pang relihiyon

Naghada pala ako ng Package 2
Malaki ang discount ng biyaheng ito 
alam kong magugustuhan mo

Rosas ka ba?
Kase sa Baguio may Panagbenga
Malahigangeng mga arko sa bawat kalsada
Magmumukha ka talagang taong bubuyog
Kung isa kang miyembre ng samahang Paro-Paro G
Abot langit ang iyong ngiti
Sa sobrang lalaki ng mga idinesyong bulaklak
Sa kabahayan, sasakyan, sumbrero, at sa mga sumasayaw

Una mang isinigawa ito dahil sa isang lindol
Patuloy na ipinagdiriwang sa simbolong pagsibol
Malinaw na maihalintulad sa pagusbong ng ating buhay
Malay mo, dito mo rin matagpuan ang sarili mo.

Huwag mong sabihin allergic ka bulaklak?
Hayaan mo, hanggang package 4 ang baon ko.
Siguraduhin mong handa ka na sa pangatlo

Dahil handa narin ang magsasaka sa Lucban, Quezon
Gulay at prutas na palamuting dekorasyon sa bawat kabahayan
Makulay mula kangkong hanggang talong
Isang beses matutuwa ka talaga dahil libre kang makakapagpakbet
Pitas pitas lang sa dingding dyan kila kumare

Teka, wag nang magpalusot na ayaw mo sa gulay
Ang gulay paliliwanagin ang iyong buhay, hindi tulad ng ex- mong.. hindi bale na nga.

Ito ang bonus ko
Ano mang biyahe ang piliin mo, ililibre ko na ang pang-apat- kong baon para sa iyo

Welcome! Here on Bacolod!
Alam mo na ba kung ano?
Kung ikaw ay naimbitahan sa City of Smiles
MassKara Festival!
Siguraduhin mong may baon kang mga ngiti
Dahil sa lugar kung saan walang lugar ang pagsimangot
Matututunan mong magpasalamat sa lahat ng bagay na mayroon ka, ano man ang laki nito.

Hindi tulad ng kandidato na nagtago noong debate,
Sa mga maskarang nakangiti, nakatago ang hirap at pait ng bawat isa.
Mapagdaan ang anomang krisis o pandemya , simulan mo sa ngiti at ito'y iyong malalampasan.

Ano?
Nakapagdesisyon ka na ba?
Hindi ito tipikal na byahe para magpicture taking at iflex sa IG
Umoo ka na kasi, at baka sakaling umuwi kang kasama ang forever mo.

Ang talagang punto nitong tula, ay sa kahit ano mang lugar na iyong mapuntahan.
Makikita mo ang bawat taong nagdiriwang ano man ang mapagdaanan

Hindi ito katangahan, ito ay umpisa.
Bagong simula
Dahil wala namang magagawa ang pagaalala
Buhat unang variant ng pandemya hanggang sa mga sumunod pa, pagbagsak ng stock market o ng SLP sa bentesingko sentvo, mapapulitika, mga sakuna, bagyo at marami pang iba

Mas mabuti pa ang magsabit ng mga prutas sa kabahayan,- gumawa ng malaarkong bulaklak, makisayaw at makigalak.

Na hindi kalaunan ay magtutungo sa mas mabuting samahan.

Tara, sama ka sa biyahe ko.



Comments

Popular posts from this blog

This is Where Our Journey Begins

Doing the Work but Not Getting Payed or Any Credit

Sa Babaeng Itinakda ng Diyos Para sa Akin