Sa Babaeng Itinakda ng Diyos Para sa Akin
![Image](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjGhnb7BrG0zHZwW3z9y1lIdjCFtdrfxIRtQaeS7bMBFGuR1oA9CIhCcvTrJY0GMaLJ30lYuEhjJbfZosq-3WeLR08liR8WTf-01t0_EHDhVIlnpm13ueuzyT8IdWQlgfOdejLlOePil3M/w478-h333/1657428161780213-0.png)
Sa babeng aking mamahalin, Kasalukuyan kong inihahanda at ipinagbubuti aking sarili. Kaya naman huwag kang magalala kung marunong ba akong maglaba o magkula ng damit.Kailanman ay hindi ko pagsasamain ang dekolor at ang mga puti. Magaling din akong magsukat ng sinaing o magsangag ng hindi naubos na kanin. Kung nais mo naman ng masarsang ulam, kaya kitang ipaghain ng adobo basta't habaan mo lamang ang iyong pasensya dahil sa youtube lamang ako natuto. Hindi ko alam kung kailan ka darating o makikilala subalit kung ito nga'y plano Niya, alam kong ito'y sa tamang oras at panahon. Sana lamang rin ay tama ang outfit ko at hindi ako mukhang dugyutin sa oras na iyon. Wala naman akong inaasahang lugar. Hindi ka rin naman siguro galing sa ibang planeta kaya't sa mundong ibabaw parin tayo magkikita. Ngayon pa lamang ay ikinagagalak ko na ang makilala ka at makita ka ng aking mga sulat. Marami rin